Makati Mayor Binay nais tumakbong presidente sa 2010 polls

Posted on by LegalLeague

MANILA – Inihayag ni Makati City Mayor Jejomar “Jojo" Binay nitong Martes ang kanyang plano na tumakbong presidente sa 2010 elections.


Sa ulat ng GMA’s Flash Report, inanunsyo ni Binay ang kanyang plano sa pagdiriwang ng kanyang ika-66 kaarawan sa Makati City Hall.


Ayon kay Binay, hindi niya tatanggihan kung siya ang pipiliin ng United Opposition (UNO) na maging standard bearer sa 2010. Si Binay ang presidente ng UNO.


Sa hiwalay na ulat ng dzBB radio, sinabi ni Binay na ipinaalam na niya ang kanyang plano sa 2010 kay dating Pangulong Joseph Estrada.


Bukod kay Binay, nagpahayag na rin ng intensyon na tumakbong presidente sa 2010 sina Senate President Manny Villar at chairman Bayani Fernando ng Metro Manila Development Authority.


Ang iba pang itinuturing “presidentiables" ay sina Vice President Manuel “Noli" de Castro, Sens Manuel “Mar" Roxas II, Panfilo Lacson, Richard Gordon, at Loren Legarda.

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS), nangungunang pinagpipilian para maging susunod na presidente ng bansa sina De Castro, Villar at Legarda.

Kwalipikado

Sinabi naman ni Estrada na ang magandang pamamahala ni Binay sa Makati ay patunay na kwalipikado ang alkalde na tumakbong presidente sa 2010.

"Si Mayor Binay din naman ay may kapasidad, may abilidad. Napakita ni Mayor Binay yung kanyang kakayahan bilang chief executive ng premier city ng Pilipinas," ayon kay sa Estarada sa panayam ng QTV’s Balitanghali nitong Martes.

Ngunit iginiit ni Estrada na wala pang mapipisil ang UNO na ipangtatapat nila sa magiging standard bearer ng administrasyon.

"Sa ngayon, wala pa tayong napipili. Kung sino ang nakikita nating pinakamalakas, yun ang pipiliin natin. Siguro mga one year before o less than a year before the elections malalaman na natin kung sinong nangunguna sa survey,' ayon kay Estrada na naunang nagpahayag na tatakbo rin kapag hindi nakaiisa ang oposisyon.

Ngunit hindi umano nawawalan ng pag-asa si Estrada na may mapipili silang iisang kandidato sa 2010 upang matiyak ang panalo ng oposisyon. Dapat umanong tularan ng UNO ang panalo ni Democrat Sen Barack Obama na naging pambato ng oposisyon sa US at nanalo.

"Sana magkaisa ang oposisyon para masiguro ang panalo ng oposisyon. Sa nakaraang eleksyon ay apat-apat ang kumandidato, kaya madaling nadaya. Mukhang nangyari nung 2004 eleksyon, pinaghiwahiwalay ang mga boto ni FPJ [Fernando Poe Jr] at nagdagdag-bawas pa," ayon kay Estrada.

Kabilang sa tumakbong presidente noong 2004 na sinasabing humati sa boto ng oposisyon ay si Sen Lacson na nakaribal ni Poe.

Maaga pa

Para naman sa mga kaalyado ng administrasyon, masyado pang maaga upang pag-usapan ang halalan sa 2010 at mas maraming problema ang bansa na dapat umanong unahin.

Sa ipinadalang text message sa media ni Presidential Deputy Spokesperson Lorelei Fajardo, sinabi nito na nakatuon pa rin ang atensyon ng Malacanang sa “governance and reforms" at wala pa silang balak na makipagsabayan sa mga "people’s political ambitions."

Inaasahan pa umano ng Malacanang ang iba pang pulitiko na magdedeklara ng kanilang plano sa 2010 polls.

"A good leader serves the interest of the public and must have vision and determination to guide the nation as well as be knowledgeable in economic and foreign policy," ayon kay Fajardo. - GMANews.TV 11/11/2008 | 03:57 PM

Latest News

Binay's daughter-in-law passes away 08/11/2009 | 04:36 PM
The daughter-in-law of Makati Mayor Jejomar Binay passed away on Tuesday due to a difficult pregnancy. (read more)

Outpouring of support for Cory a reminder for Arroyo to behave, says Binay
08/05/2009
The outpouring of public support for the late former President Corazon Aquino is a warning sign for President Gloria Macapagal Arroyo and her allies not to ram Charter change down Filipinos' throats, United Opposition (Uno) president and (read more)

Binay: Arroyo gave marching orders to push con-ass
06/03/2009
United Opposition president and Makati City Mayor Jejomar Binay said Wednesday President Arroyo had given orders to allies in the House of Representatives to push Charter change via constituent assembly (con-ass). (read more)

Binay open to sliding down to VP if Erap runs for president 05/29/2009
Months after announcing his plans to run for President in 2010, United Opposition president and Makati City mayor Jejomar Binay is entertaining thoughts of sliding down to the vice presidential race.(read more)